buti naman at maayos na ang tagboard ko. sira yan buong araw kahapon e. natakot na naman ako baka nagcrash na naman ang servers ng tag-board.com at mabura ang lahat ng nakaraang mga posts tulad ng nangyari kahapon.

tagal ko na rin palang ‘di nagpopost dito. actually, may mga entries akong sinusulat pero di ko pa matapos-tapos kasi pabugsu-bugso din ang oras ko ng pagsusulat. minsan may mga kachat ako kaya di ko matuloy. minsan nanonood na lang muna ako ng dvd.

———————–

kahapon, binuklat ko yung Saturday issue ng inquirer kasi sabi ngmga kaklase ko may nakakatawa daw na picture dun si Jasmine Trias at si GMA at ang caption ay: Lilo and Stitch (of course, si GMA si Stitch! wahehehe). pero I ended up reading this article entitled: Mom, I think I’m a Technosexual.

naintriga ako kasi ngayon ko lang narinig yung term. Technosexual. ano yun? parang mas gugustuhin nyang makipagsex sa mga robots o sa kahit anong gadgets? hahaha! mali nga ang iniisip ko. ayon sa artikulo, dati pa daw yung salitang yun. nagrerefer sa mga taong super duper obssessed sa mga gadgets…

kinumpara pa nga iyon sa mga metrosexuals e. ang mga metrosexuals, are staright males that can go to a basketball game in the afternoon and still go to an art gallery in the evening. technosexuals naman daw are staright males that check the latest news while in watching the basketball game on their handheld and check the latest movie scheds while in the art gallery. basta, if you rely on your gadgets to get the information you need…more or less you’re a technosexual.

nagbigay pa ng scenario yung article ng common technosexuals…chatting with at least 4 people at the same time, reading blogs and dropping comments, writing a separate entry for your own blog, listening to mp3s, downloading mp3s using Kazaa or imesh or whathaveyou…simultaneously! naisip ko, aba! pano nila nalaman ang pinaggagagawa ko dito sa pc ko? hehe. ganun na ganun kasi ako.

am i a technosexual? baka. baka konti lang. di pa naman ako ganun kaobssessed tulad ng ibang tao na gustong magpalit ng phone kada may bagong lalabas na mas maganda. o kaya gustong magwaldas ng pero para lang sa panibagong features na konti lang naman ang maidudulot na maganda sa kanilang buhay.

dati siguro, mas obssessed ako. lahat ng phones ng nokia alam ko kung anong mga features. pati mga discman at walkmans at mdplayers ng sony, alam ko…mga videocams pa. ultimte dream ko noon ay makaroon ng shopping spree sa abenson. may obssession din ako dati nun sa GLOBE. lahat ng globe ads sa jaryo, kinokolekta ko. ok ba?

pero naisip ko na wala namang maidudulot sa akin ang ganoong buhay. at lalo lang akong mafufrustrate dahil hindi ko naman kakayaning bilhin ang lahat ng gustong mga bagong gadgets…nakuntento na lang ako sa kung anong meron ako at sa kung anumang ibigay sa akin.

ikaw? technosexual ka ba?