Kakatingin ko lang uli sa resulta ng pre-enlistment ko. Hwekhwek. Syempre, makukuha ko lahat (restricted sa amin yung lahat ng majors namin…ika nga ay blocked). Ang problema ko lang ay kung makukuha ko yung slot sa PE ko tsaka sa Natsci 4. Nakuha ko naman silang dalawa, salamat. Eto sked ko:

———————–

Naaliw ako kasi dadalawa na lang ang GE subjects namin ngayon. Last GE subjects na namin na kukunin ang mga ito. Yung akin, Natsci 4 (The Earth our Habitat) atsaka isang required GE na STS (Science, Technology and Society). Yung lahat ng iba, majors na namin.

Actually ‘di ko alam kung ano talaga ang majors namin kasi mukhang wala namang subject na INTARMED 101 o kaya INTARMED 143. Wahehehe. Wala lang. So I guess yung majors namin ay yung mga science and math subjects na kinukuha namin tulad ng calc, stat, orgchem, biochem, comparative vertebrate anatomy and physiology, embryology and genetics, general physics, general chemistry…hay. Ganun naman talaga ang intarmed e, pinag-halo-halong sciences and GE. Saya!

———————–

Isang linggo na lang at magsisimula na naman ang isang panibagong semestre. Sa semsestreng ito kami may pinaka kaunting load, 19.5 units. Ang semestreng ito kami may dadalawang GE courses, STS at Natsci4, ang natitira’y mga “majors na namin”. Ito na ang huling semestre ng aming kolehiyo (kung papalaring makapasa). Sa susunod na taon, nakaputi na rin kami…tunay na med school na kumbaga.

Pero ayoko pang isipin mashado kung anong mga pwedeng mangyari sa susunod na semestre. Mag-aalala lang ako masyado, mahirap na…papakatoxic ako ngayong sem break? Hay.

Ang gusto kong gawin ay lasapin ang mga natitirang panahon ng sem break ko. Ito na ang huling sembreak habang ako ay nasa college. Para na nga kaming mga graduating e…kukunin na namin ang STS na para lamang sa mga 4th or 5th year na mga estudyante (2nd year pa lang kami). Itong sembreak, ang pinakamahabang sembreak na naranasan ko (kahit noong nasa elem at highschool pa ako). Isang buong buwan nang walang iniintindi kundi kung ano ang kakainin at kung anong posisyon ng pagtulog ang gagawin. Sembreak…malapit nang matapos…