Location: Wham Burgers – Robinsons Galleria

Time in: 3:34pm, Oct 22

Ok ba? Hehehe. Dala ko si Marley dito. Kaninang umaga pa kasi kami magkasama ng ate ko. Pumunta kaming Maynila kasi may aasikasuhin siya, ako naman sumama dahil kukunin ko yung classcards ko. Nakuha niya yung kukunin nya, ako 2 lang na class cards ang nakuha ko: Bio 25 at Chem 31. Pakshet kasi yun iba, ang aarte. Sa Physics, kelangan 2pm pa, yung sa HUM 1 & 2, TBA pa daw. Yung sa Histo5, wala pa yung prof namin. Hay nako, babalikan ko na lang sila siguro sa Monday.

Tapos may meeting ate ko dito sa Galle ng 3 kaya kinailangan ko nang umalis agad sa AS. Habang nagmimeeting siya, ako eto, gumagawa ng entry sa Galle habang kumakain ng Wham Burger. (Hindi ako nasasarapan sa P58 na burger na ito, mas masarap pa rin ang burgers ng Brother’s. hay…waste of money…)

————

Kababalik ko lang galing Baguio kahapon ng umaga. Limang oras lang biyahe namin, umalis kami ng 12:30 at 5:30 kami nakarating sa Cubao terminal. Pagdating ko sa bahay, lumabas na naman ang pagkababoy ko, kumain ako ng almusal at chenen! natulog na naman. Nagising ako ng mga 1:00 pm just in time para sa volleyball game namin ng mga dati kong teammates sa UPIS. Dinaan ko yung brother ko sa UP muna bago ako pumunta sa Marikina Sports Center, kukuha din kasi siya ng class cards nya.

Masaya ako nung araw na iyon. Noon na lang ako uli nakapaglaro ng tunay na volleyball ngayong first sem ng 2nd year ko. Yung mga laro namin sa sportsfest ng Med, wala-wala lang, di naman kasi kami lahat marurunong…pero eto, mga kaibigan ko dati at mga kapwa varsity, kaya masaya! Hehehe. Ayan, sakit tuloy ng katawan ko ngayon…nabigla lang siguro.

Nakauwi ako ng mga 6:30 na, at dumiretso ako sa padevelopan ng mga litrato para maipadevelop na yung mga kuha ko sa Baguio. Sana naman magaganda ang lumabas. Di ntulad kasi sa digital cam kung saan makikita mo na agad yung mga kuha mo, sa film, kelangan mong maghintay…parang suspense thirller ba. ‘Di mo alam kung maganda yung kalalabasan.😛

Ayan, tapos na meeting ng ate ko, tutuloy ko na lang tong entry ko sa bahay…

Time out: 4:10pm

———————–

Location: Kama sa bahay

Time in: 1:31 pm, Oct 23

Wahehehe…di ko na natuloy kagabi yung post ko. Tinamad akong magsulat at naginternet na lang ako buong gabi. Nakuha ko na rin yung mga pictures ko sa Baguio…at sa kasamaang palad, onti lang ang lumabas nang maganda. Hay…popost ko na lang sa gallery ko yung mga yun.🙂

Mamaya, may pupuntahan na naman akong debut. Debut ng kaklase ko nung highschool, sa Bulacan gaganapin. Ayos ba? Sabay-sabay kaming pupunta ng iba kong mga kaklase doon mamaya at ako ang magdadrive. Wee…expressway na naman! YES! Sarap!😀 Sana lang diba hindi traffic.

Wah. Nakalimutan ko na yung iba kong mga sasabihin. Hay, tsaka na nga lang. Post ko na muna ito. Bow.

Time out: 1:37pm