Ha! Isang malaking..HA!

Hindi ko nakayanan. Nasa internet cafe ako ngayon sa Baguio, nagliliwaliw na naman sa cyberspace…nagpapakasaya, nagpapaka-aliw. Mwahahaha….

Malamig dito at masarap. Hehehe, sarap din tuloy maglakad-lakad lang imbis na magtaxi kapag bumayabyahe sa paligid ng siyudad. Mahaba ang biyahe papunta dito, at mahaba din ang biyahe pabalik. Pero uulit-ulitin ko ito dahil sa kakaibang saya na dulot ng lugar na ito sa akin.

Nagdala na nga rin pala ako ng SLR camera sa trip kong ito sa Baguio, kaya mukhang madadagdagan ko na ang koleksyon ko ng mga litrato dito. Hay, sarap.

Ngayon ko lang tunay naramdaman na wala akong kailangang intindihin. Nakatambay lang kaming magkakaibigan sa apartelle namin, wala lang…nagbobonding. Hege. Actually, boring din lalo na ‘pag wala kang pera. Wala ka kasing gaanong magagawa din dito e. Nagpapakasaya na lang kami sa paglalaro ng baraha at pagkukwentuhan.

Pero wala pa ring tatalo kina Gian, Bill at Ben, mga kapwa kasama ko dito…dahil sa pagkakabore, naisipan nilang bumili ng FAMILY COMPUTER. Malamang, sa henerasyon nating ito, (at kung nakakabasa ka nito) alam mo kung ano ang familiy computer. Dito unang sumikat ang Mario Bros. ng Nintendo, ang CONTRA, Circus Charlie…hahaha! At patok na patok ito sa amin ngayon. Kaya kung kami’y tatanungin kung anong gnawa namin sa Baguio pag-uwi namin sa Maynila, iisa lang ang isasagot namin: naglaro ng family computer. Ok ba yun? Pumunta lang sa Baguio para maglaro ng family computer…tsss.

Napansin ko lang kanina, habang kami’y naglalakad sa Session Rd., na ba’t ngayong nasa Baguio kami ay kung kelan lang namin naisipang bumili ng mga bagay-bagay na maaari naman naming mabili sa Maynila. Tulad kanina, gustong-gusto ko nang bumili ng case para sa cellphone ko, yung kaibigan ko naman gustong bumili ng t-shirt sa Artwork, yung isa gustong magtitingin ng mga damit sa SM Baguio. Ba’t dito pa sa Baguio? Kung titignan ay mas mahal ang mga bilihin dito kaysa sa Maynila (ang Sumo Pork Tonkatsu sa Tokyo Tokyo dito ay P155 samantalang P145 lang ito sa Maynila)…pero marahil kaya dito namin gustong bumili ay dahil ngayon, may oras kaming magtitingin at bumili. ORAS. Dahil bakasyon ngayon, at nandito kami para mag-enjoy…siyempre, kasama doon ang pamimili ng mga gamit. At dahil sa Maynila ay masyado ka nang okupado ng pag-aaral at sa marami pang ibang toxic na bagay…hindi mo naman magagawa yun. Isa pa, dito, may pera ka…perang nakalaan para sa paggastos mo dito. Meron kang perang maaaring iwaldas. Sa Maynila, ang pera mong pambili ay may ibang mga kakumpitensya. Hay ewan…labo.

Ayun lang…kung ‘di nyo nagets, wag na…hehe…malabo talaga utak ko ngayon kasi nagsasaya pa rin ako’t tunay na bakasyon itow!

Cge…hanggang sa susunod kong pagsusulat! Paalam!

*nanginginig ako ngayon sa lamig…gabi na kasi.*