How many times have i sneezed for the past 10 minutes?

Five.

That’s like sneezing every two minutes.

As I’m writing this post, I’m also preventing my ever-enthusiastic sipon from oozing from my nose. Kadiri no?

This morning, gerald is officially sick. Deng. What a way to spend my vacation. Hehe

————

Kahapon, galing akong EK kasama ang mga kaklase ko sa imed. Nagdrive ako papuntang Sta. Rosa (and overcame my fear of driving there because of a previous traumatic event, circa December 2003…*wink wink*) kasama si Ants at Abe. Dumaan muna kami kina Maan to fetch her before meeting Val, Monette and Aidz (ang tres marias/girlbombgirls ng imed) sa EK. Ito kasi ang dapat na class outing namin, pero hindi…kasi pito lang kaming pumunta. Nevertheless, masaya pa rin!!! Gusto ko lang sabihin na super daming namiss na mga hindi sumama! *super duper evil laugh* hahaha! Belat! [pics to follow pa since wala akong dalang digicam nun at dinekwat ng dad ko papuntang states, at si monette lang ang may cam at kukunin ko pa sakanya…]

Basang-basa kami dahil sa Rio Grande. Limang beses kaming paulit-ulit dahil wala namang gaanong tao. Wednesday kasi. Nung una, ayokong magpabasa, hassle kasi. Pero dahil basa na din ako, whaddahell, edi go na! Bumili din ako ng board shorts sa shop dun…wala lang, kasi nabasa ako, at gusto ko nang palitan yung maong pants ko ng shorts. hehe. Ayun, anyway…dahil basang-basa na kaming lahat, at gabi na nun, malamig. Dun ko nga ata nakuha ang virus kong ito. Shet.

We also went go-karting! Saya!😀 Hehe, first time ko, at gusto kong ulitin. If only i have the time to make it my hobby. Hehe…Stig. I felt my need for speed!

————

Ayoko na. *Sniff sniff* para akong umiiyak nito. Ayoko talaga nang may sakit. Masakit. Ha, labo.