Buti na lang at nakacancel na ang meeting namin ngayong hapon. Ayoko nang bumalik pang Maynila ngayon, tinatamad ako, at puyat, mahirap na baka kung anong mangyari pag nagdrive ako.

Maagang nagsimula ang araw ko ngayon (at late din natapos yung Sunday ko dahil late na rin ako nakatulog, 5AM), gumising ako ng 7:30 para kumain ng almusal, pero natulog lang din uli ako hanggang 8:15. Marami kasi akong kailangang gawin. Pumunta muna akong Shopping Center para ipa-print yung project ni Mela, yung kapatid ko, para sa Developmental Journalism elective nila sa UPIS. Gumawa sila ng dyaryo, at kailangan nilang ipaprint ito ngayon dahil ngayon din ang pasahan. Ako na ang pinaasikaso ni Mommy dahil ako daw ang nakakaalam ng mga ganun at hindi niya alam kung saan ipapaprint sa SC.

Pagdating ko naman sa SC, hindi daw sila nagpiprint ng ganun. Buti na lang at naisipan kong pumunta sa Florophoto kung saan ni-refer nila ako sa isa pa nilang branch sa UP, sa Vinzons, kung saan pwede daw iprint yung ipapaprint ko. Noon ko lang nalaman na may ganun pala sa Vinzons…pagawaan ng blueprints, Cadd layouting, as in desktop publishing. Hehe, naaliw ako kasi sa SM lang ako nakakita ng ganun dati. Pero siyempre, mahal ang services dun diba…pero ayus lang. Maganda naman ang kinalabasan nung dyaryo nina Mela e.

Isa pa sa mga dapat kong gawin ay i-meet ang aking kapateeed na si Tin (hindi ko siya tunay na kapatid, tawagan lang namin) sa Pugon dahil ibibigay niya sa akin ang invitation niya para sa debut niya sa Bulacan. Hehe, andami ko palang pupuntahang debut, meron sa Friday, meron sa Oct 23, meron ng November 20 sumthing…hindi ko tukoy maisip kung uso lang ba talaga sa amin ang pagdedebut, o naiinggit ang isa sa isa kaya magdedebut na rin siya, o wala lang, magdedebut lang siya.😀 hehehe. Anupaman ang pakay (tago man o hindi), gusto ko pa din ang pagaattend ng debut! Unang-una, makakapagbihis ka pag formal, semi-formal, o smart casual. Pangalawa, makikita ko uli yung mga kaibigan kong nasa Diliman (dahil ako lang ang nahiwalay sa Maynila sa barkada), at panghuli…libre ang pagkain! *evil laugh*

Tinatamad na naman ako dito sa bahay, wala na lang akong ginawa kundi kalikutin itong bago kong blog at magbasa ng blog ng iba. Hehe. Hindi naman sa namimiss ko ang pag-aaral, gusto ko lang may ginagawa ako palagi. Kaya baka next week, magsisimula na akong magbake uli! Yes. Marunong po akong magbake, salamat sa Baking elective namin sa UPIS. Hehe.😀 At masarap ang mga nabe-bake ko! (Taas kamay ng mga nakatikim na!) Punta na lang akong supermarkt bukas para bumili ng mga sangkap. Ang pangit nga lang, dahil sa masarap yung ginagawa ko, hindi ko mapigilang kainin na rin siya…at ayun, sa tuwing magsisimula na akong mag-bake, tumataba ako. Hahaha! The return of the dumbuhalang gerald! Iskeyrii…

For that, gusto ko na uli mag-volleyball! Ang tagal-tagal ko na ring hindi nakakapaglaro, at namiss ko ang pagkakataon noong nakaraang linggo dahil may exam ako kinabukasan nang maisipan ng dati kong mga teammates na maglaro. Hmph. Sana naman at makapag-schedule na uli ng bagong game…atat na akong maglaro uli!

Andami na naman ng sinasabi ko. Kanina, kakatxt ko lang kay Maan na wala akong maisulat sa blog…but no, sa oras na magsimula na akong mag-type, tuluy-tuloyn na ang daloy. (Nakamputs.)😀

Ayun lang, sige. Hanggang sa susunod kong entry.

ps. Kung iniisip niyo kung saan ko nakuha itong bagong design, akin po iyan. 100%. Ako po ang gumawa, sinimulan ko sa pagdodrowing ng lay-out sa isang scratch bond paper at ayan, pagkatapos ng isang araw, up-and-running na ang bagong design. Hehe. ;p