shet! SAYA! regarding doon sa physics exam ko ng kinaumagahan ng Sinosisans na hindi ko pinagaralan dahil nakatulog ako dahil may inasikaso pa ako para sa play nung gabi…huwell…25/40 ako! Bwahaha!!! Pasado mga tsong! Weee!!! Pumapalakpak lahat sa katawan ko, tenga, paa, kamay…hay nako. Naaliw ako kasi nung tinignan ko yung mga scores nung iba, may mga kapareho din ako. (HaH! Mandamay ba?) Pero ang maganda ay exempted na naman ako sa exam! Weeee! Yun nga lang, sayang ang UNO standing ko nung unang mga exam…kaya ngayon, baka 1.25 na lang ako. Pero ayus lang, WALA NAMAN TALAGA AKONG NATUTUNAN PARA SA LAST EXAM E. At ok lang kasi at least, nirereflect ng grade ko sa last exam ang aking natutunan…at iyon ang importante, hindi ang grade. Naks!😀

Wala lang, sharing.😛

ps. putanginang physics pa rin yan, sagabal sa buhay!