note: another long post ahead. :p

Kung ang mga series sa telebisyon ay may season ender, ako…may SEM ender. Hehe. At kelan yun? Kahapon.πŸ˜€

Ano bang nangyari kahapon? Simulan natin ng 12AM. Kakatapos ko lang nung 1st part ng program para sa musical namin. Hindi pa ako nag-rereview para sa physics exam ko ng 7AM ng araw ding yun. 12 AM, 7AM…5 oras na lang bago ang exam at wala pa rin akong alam. Pumunta lang muna ako sa kama, nagpaalarm ng 3am para kung makatulog man ako’y magigising ako at makakapag-aral pa sa physics.

Naglolokohan pa kami ni Ants kahapon. Dahil kailangan nga naming pagsabayin ang preparasyon sa Sinosisans at aang pagrereview sa Physics, ‘di namin alam kung anong strategy ba ang gagawin namin…kung matutulog kami muna, sabi niya, “Ayoko naman nun, baka biglang paggising mo 7 o’clock na! Nyaai!” at bigla kaming nagtawanan.

Pero nangyari ang kinatatakutan namin…sa aming pareho. Nagising ako ng 6:30. Saktong-sakto sa orasan ng cellphone ko. Nag-isip pa ako kung anong meron sa araw na iyon, pero nakita ko kaagad sa desk ko ang nakapinid na aklat ng Physics ni Giancoli. “Tangina.” Isang murang walang kaemo-emosyon. Tinext ko kaagad si Maan at sabing hindi na lang ako mag-tetest. Pwede ko namang gawin yun e, magpaexcuse dito sa exam na ito at ipalit na lang yung Finals exam para sa 3rd exam…yun nga lang mas mahaba ang coverage ng Finals… Pero hinde, sige pa rin ako. Kinuha ko yung hand-outs namin na galing sa prof at pilit na ipinasok ang lahat ng equations, concepts, drawings, trends, constants, measurements kung anu-ano pa sa aking tulog pang utak. 6:31 nang ako’y mag-simula (may isangminutong nakatulala lang ako ‘di ko alam kung anong gagawin ko…) at natapos ko ang hand-outs ng 7:05. Naligo ako at dumiretso sa AS. Pagdating ko, as usual, late na naman ang simula kaya nakapagbasa-basa pa ako ng kaunti doon. Pero wala na sigurong naitulong iyon kasi nagsimula na akong magpanic…”Ano ba itong ginagawa ko?! Yung dalawang eksam ko sa Physics ay pinagaralan ko nang maigi at magaganda naman ang mga grado ko…39/40, 34/40. Yung isa nga isang araw akong nag-aral. Pero eto? Ano? TRENTA MINUTOS!”

Nang magsimula ang test, hindi ko na alam ang sagot sa unang katanungan pa lang. So wala, wala na naman akong magagawa ‘di ba? Nanghula ako, at nanghula, at nanghula pang muli. Hanggang matapos ko ang eksam nang may 3 tanong lang ako sigurado sa aking sagot. Habang ang lahat ay nagpipipindot sa kanilang mga calculator, ako nama’y busying-busy sa pagchecheck kung maayos na ba ang pagkakashade ko sa mga bilog ng aking mga hula na sagot. Sa loob loob ko, “sana mapasa ko lang to, ayus na…kahit maka 20/40 lang ako, 77.5% na ako sa Physics…pasado na! :D”

Wala na akong magagawa, alam kong sayang lang yung mga pinaghirapan ko sa mga unang departmental exams sa Physics. E wala e, inuna ko sa kung saan alam kong mas makakatulong sa akin. Ang SinosiSans. At mukhang ganun din ang nangyari kay Ants….paglabas ko ng theater kung saan kami nag test, nagtext pala si Ants, nagtatanong kung nasa dorm na ba ako (apparently ang sentro ng lahat ng gawain para sa Sinosisans, nandoon ang mga props, ang mga costume, ang mga backdrops, ang mga direktor, ang piano…) Tinawagan ko agad siya, bat nya ako tatanungin kung nagtetest siya…Hay, nangyari nga ang kinatatakutan namin, Nagising siya 8:30 AM na. Ayos diba? Ang pagkakaiba lang ay nagtest na ako at siya sa Finals pa magtetest.πŸ˜› Ayan ang napapala ng hindi pagpaprioritize sa Physics at inuuna ang Sinosisans! Hahaha…

Pagkatapos ng exam, change mode na ako. Eto na, SINOSISANS na! Pakshet talagang Physics na yan, intrimitida sa pagtatanghal namin. Kaya ayun, bumalik ako agad sa dorm para tapusin yung program. Natapos ko siya before 12 at si Tina muna ang namahala sa practice sa ’72 theater. Cruicial talaga yung paractice na yun kasi ‘di pa namin napapraktis ang last scenes…at kung paaano nagsesetup ng props. By 1, FINALLY, nagstart na din ang ‘di matuloy-tuloy na dress rehearsal. Dapat kasi nung Monday pa yung totoong dress rehearsal pero since umuulan nun nung hapon (dahil may Zoo lec at Zoo lab exams kami nung umaga), ‘di na namin nadala yung lahat ng props and all. Imagine, an hour before the performance lang kami nag dress rehersal. Shiat. Panicky na kami ni Tina kasi mukhang ‘di namin matatapos yung practice…hindi nga. Nakaabot lang kami hanggang 3rd scene out of 6. Owell, andami na kasing tao sa labas, naghiintay makapasok…

We weren’t really expecting na super daming taong manonood ng 2pm. Kala nga namin mas bebenta yung 6pm e, but no…yung mga kaibigan ng mga actors sa 2pm manonood, kasama ng iba pang mga UP Manila peeps tulad ng Bio, Nursing, Dentistry, etc…hehehe.πŸ˜€ Astig, para talagang totoong play! Mwahahaha! Ayun, so nagsimula na yung play ng 2:30 kasi pinaupo pa yung mga tao.

Ok naman yung kinalabasan nung unang part, pero pagdating sa 2nd part, after ng intermission, nagkakagulo na kami sa technicals…hindi kasi namin napractice yung last scenes so kapa-kapa kami sa music at lights. Buti na lang at naagapan din.πŸ˜€ Well, kaya nga kami nagdecide na magkaroon ng 2pm show e dahil iyon ang gagawin naming PRACTICE bago kami bigyan ng grade ng prof namin sa HUM2.πŸ˜€ Haha…kung gayon, andaming nanood sa practice namin.πŸ™‚

Pagkatapos ng first show, dead na ang lahat…matapos ibigay ng lahat ang kanilang full effort sa unang show, shempre, period of latency na ang sunod…ambababa ng energy levels namin…to the point na nagkakatamaran na para sa sunod na show na 6pm. Hehehe…mas naging disorganized pa tuloy yung pagpapapasok ng audience nung 6 kasi walang nagbabantay dun sa labas at kahit sino na lang ay pwedeng pumasok. Hahaha..Owell.

Mas kaunti ang nanood nung 6pm, at halos puro parents and close friends ang nanood. At siyempre nandoon din yung prof namin sa HUM2 para bigyan kami ng grade. Yung mga jokes sa unang scene, na super benta sa 2pm show, ay ‘di gaanong benta nung 6pm na…yan ang tinatawag na genration gap. JOKE lang. :p Pero ayos na din, pagdating sa second scene, naging OK na rin ang pagtawa ng audience. Hehehe…Siyempre natakot kaming lahat sa nangyari. Overwhelmed kasi kami mashado nung unang show kasi well appreciated yung mga patawa namin, pero nung second show, para kaming walang audience. Sila sa backstage, nangangamba na, na baka pumalpak yung iba pang mga patawa namin, but no. Ok na din pala.

Ok din ang ginawa namin na nagkaroon muna kami ng 2pm show bago yung final 6pm show dahil at least nakapagpractice nga kami. Mas OK ang kinalabasan ng 6pm show, though sana yung audience ng 2pm show ay nakanood din sa 6pm.πŸ™‚ Hehehe…pero ayos lang, kasi at least we had both…a good show, and a good audience. Naks!

Ok talagang learning experience ang Sinosisans, lalo na ang pagdidirek. Shet. Muntik na talaga akong magbreakdown kasi nafufrustrate ako sa nangyayari sa amin before…Hindi kasi maiiwasan na magkaroon ng mga kasabay na school work ang practices nyo. E siyempre, ano bang dapat iprioritize? Schoolwork siyempre. Pero if you learn to work WITH the school work, and take them as challenges and not as your enemy…pwedeng-pwedeng mag co-exist ang play at ang aralin.πŸ˜€ kyut no?

Ok din ang feedback ng mga tao. Salamat talaga! Nakakataba ng puso lalo na’t alam mo sa loob-loob mo na pinaghirapan talaga iyon. Salamat sa mga kaibigan ko na dumayo pa sa Maynila galing Diliman!πŸ˜€ Hehehe…’di ba, nakakamiss talaga yung Sinosisans? Ayun lang.

At isa pa nga pala, natutuwa ako at at least, naipakita namin na may iba pa sa pagiging Intarmed kaysa sa notion ng karamihan na kami’y mga hayok sa pag-aaral at ‘di na nagsasaya. (Hehe…defensive ba?) Aba! Nakayanan namin mag-present ng isang magandang MUSICAL pagkatapos na pagkatapos ng isang Physics exam! o ano? May angal pa? :p

Grabe what a way to end the sem.πŸ˜€ hehehe.