How time flies…

Sa sobraaaang dami naming ginagawa ngayong month na ito, I’m now averaging 9 posts per week at dati ito ay 15. Buti nga’t may mga panahang ganito na nakakasingit pa ako ng oras para magsulat ng kawalang kwentahang post. Hehehe…

Katatapos lang ng praktis namin para sa play, at mejo ok na rin naman ito, ‘di tulad dati na sobrang wala pa talaga kaming patutunguhan, at least ngayon may direksyon na.😀 Hehehe. Ok na yung mga kanta, choreo na lang ang problema. Yeah…at siyempre ‘di ako magsispill gaano dito dahil meron din namang ilan-ilan senyong mga mambabasa ang manonood hindi ba?

Gusto ko lang ishare na dati, nung sa simula, naiinis talaga ako tuwing practice dahil iniisip ko sabagal lang tong play na ito sa amin at pampadagdag trabaho lang…pero naisip ko, lalo na kanina…na pwede din namang pagsabayin ang pag-aaral at ang pagpapraktis e. Nagsisilbi pa ngang detox activity itong production kasi at least, may maganda kang rason para hindi mag-aral. Hahaha.😀

Wala lang, share ko lang.

Sana nga magawa namin ito nang maganda! Hehe…sa kabila ng lahat ng nagbabantang mga pagsusulit at papers ngayong linggo at next week…shet. Tignan nyo naman work load namin:

  • Physio lab exam bukas
  • Physio lecture quiz bukas
  • Physics lab practical exams sa Friday
  • Org Chem long exam sa Sabado
  • Physio lec exam sa Monday
  • HUM 1 finals paper due sa Monday
  • Physics lec exam sa Wednesday

May aangal pa ba? Haaayyy…Kailangan namin ng isang malaking…

GOODLUCK!!!!!