di ko alam kung saan ako magsisimula…andami dami nang nangyrai since yung last post ko. Isang buong linggo ng kawalan. Ok ba yun?

1. Natapos ang VCD project namin for HUM1 nung Friday, 2:30pm at ipinasa nung Friday, 4pm.

2. Natapos ang HUM2 documentation nung Monday, at ibinalik for minor revisions nung Thursday.

3. Nakapagpractice ng Sinosisans nung Wednesday.

4. Nakatulugan ang DVD ng The Piano. *wink wink*

5. Naglakad sa Taft habang bukas ang laptop dahil ayaw itigil ang pagbuburn ng CD para sa project.

6. Nakatulugan ang aking contacts…4 araw na sunod-sunod. Mabulag na kaya ako? hehehe

7. Natulog nang ‘di nagpapalit ng damit…yak.

8. Kumain ng 3 Go Nuts Donuts nang sunud-sunod! Yumm…

9. 4 na beses kumain sa Jollibee! Hahaha! Taba-ers na naman!

10. Tumangi sa pagsali sa MOBilisasyon para ipaglabang itaas ang state subsidy para sa UP.

11. Unang beses na tinamad talagang magblog.

Marami pang iba, di ko na matandaan…at tinatamad na din akong magelaborate sa mga yan.๐Ÿ˜€ hehehe…para na lang sa akin yan.๐Ÿ™‚ Grabe, sa super busy ng sched ko, for the past 2 weeks, 3 entries lang ang nagawa ko. Geesh…

Kaya eto, I’m updating stuff now…

Naalala nyo yung ginawa kong smiley dati? Eto yung entry ko nung June o…



my smiley!

O basta, gumawa ako ng sarili kong smiley…na based sa Y! smiley. Hehehe…bsata ganun, pero may buhok at tenga. Para kamukha ko diba? Well well well…isang araw pagbaba ko sa lobby ng GAB sa CAS, lo and behold…may isang poster dun na nandun yung ginawa kong smiley!!! Eto o:



Ako gumawa ng smiley na yan! :



Ayan o! Close up!

Actually, ‘di ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Sa isang aspeto, natutuwa ako kasi at least may nakaappreciate ng ginawa ko (kahit na walang kakonek konek sa poster…). Pero sa kabilang dako, naiinis ako kasi para akong ninakawan ng artistic and creativity value. Well, it’s bound to happen din naman e, kung maganda talaga yung ginawa mo…at ginawa mo pang friendster pic…at madami kang friends…edi sooner or later, may kukuha nun at gagamit nun. WAHAHAHA! Joke lang…baka tamaan ako ng kidlat.๐Ÿ˜€ Owell, NR na lang ako muna ngayon, ok din naman ang pinaglalaban ng poster e…FIGHT FOR GREATER STATE SUBSIDY and a UP CHARTER WITH PROPER CONSULTATION. Sums all my UP-directed political views. Bow.

There. ayan muna.๐Ÿ˜€