THE poster
Yeah! This is the poster! Ganda no? Made by Ants and me.😀
Ayan, iniinvite ko ang lahat ng nagbabasa nito na manood sa class production naming pinamagatang…

“SINOSISANS”

sa direksyon nina Tina Tan at Gerald Abesamis
direksyon sa musika ni Gideon Lasco

na gaganapin sa ika-5 ng Oktubre, Martes
2pm at 6pm

sa Class 1972 Theater, College of Medicine
UP Manila

P20 lang yung tickets! Punta kayooo! Masaya yan!
SINOSPSIS:
Sino bang hindi nakakikilala kay ______? Isang sikat na bata sampu ng kanyang kawalan ng ‘ngalan, sikat na sikat si _____ sa mundo ng Haraya. Anak ni Ginoong Pekto at Aling Churay, bago pa lamang ipanganak si _____ ay kalat na ang kanyang pangalan, ang pinakamagandang pangalan sa mundo ng Haraya: ALSIKI. Sa kasamaang palad, nang siya’y ipanganak, namatay ang kanyang itay at si Aling Churay, dahil isa siyang pipi, ay hindi rin makapagbinyag ng katawagan sa kanilang anak — at sa mundo ng Haraya, kung anumang unang salitang masabi ng mga magulang matapos maipanganak ang sanggol ang siyang magiging pangalan nito. At magmula noon, hindi na napangalanan ang kawawang batang siyang sanang tagapagdala ng pinakamagandang pangalan sa buong Haraya.

Isang prutas (araw sa mundo ng Haraya), may dumating na tatlong dwende sa isang sorpresang handaan para sa ikasampung pasas ni ______. Napabilib ng batang walang pangalan ang mga dwende sa hindi pagkakatinag nito, kung kaya’t binigyan siya ng mga dwende ng isang kahilingan kapalit ng ilang mga kundisyon. Sampu ng kagustuhang magkaroon ng pangalan, dali-daling sumang-ayon si _____ sa mga dwende. Doon nagsimula ang kanyang paglalakbay, kasama ang kanyang matalik na kaibigang si Tyasin, sa pasikot-sikot na mundo ng Haraya.

Sige na! Punta kayo! Sa mga nakapanood na nito, nung mga batchmates ko sa UPIS, iba ito dun sa dati kasi eto MUSICAL.😀 hehehe. As in original na mga kanta talaga.😀 Masaya talaga! Game! Punta kayo a! Hahaha! Ayun lang. Sige.😛