Note: long post ahead! hehehe…

And alas…I have come back once again.

After 5 toxic and tiring days, including the weekend, I’ve once again opened my laptop not to do research, or write some bullshity documentation, or edit some pictures, and or script…I am now writing nonsense, again…and I like it.

FRUSTRATIONS

Ha! Yahoo! Nagboblog na naman ako! Time to share all my experiences na naman! Saya-saya! First off…Friday! Ano nga bang nangyari nun? Hmm…ayun! Memorable day para sa akin, at para na rin sa iba kong mga kaklase, kasi lahat nagkakairitahan na. (Gets ba? Hahaha! People have become irritable to one another…) Ewan ko, di ko lam kung ako lang ba talaga, o yung panahon lang nun, pero super duper nakakirita talaga yung ibang mga tao nung araw na yun. Gusto ko nga sanang magblog nun, pero di ko magawa kasi andami-dami-dami pang mga nakalinyang gagawin nun. Basta, nagtumpok tumpok na kasi yung mga gagawin nun e…at that time eto yung scenario:

+++wala pa kaming nagagawa sa HUM1 movie namin on Veronika na due sa Sept 21, nagyon. Well, meron naman, pero di pa naayos…di ko alam kung pano tatapusin at lahat ng tao ay parang walang pakialam kung matatapos ba yun o hinde. E ayoko na namang magtake ng initiative kasi kung gawin ko yun, sa akin na naman maiipit yung trabaho, e andami ko pang ibang kailangang gawin…at SAMPU naman kami sa grupo so malamang lang diba may mga ibang mas pwedeng magasikaso nun…e ayun…pagkatapos dapat ng lecture exam namin nung Friday, magmimeet yung grupo namin, ilan kaming andun sa meeting? Anim. Foin. Nagdedecide kami kung anong gagawin…walang nagsusuggest. May iniisip ako pero ayokong sabihin dahil pinromis ko na hindi na ako magpapakaliderlideran ngayong time. At ayun, wala ring nangyari sa meeting. Inisip ko, wala talagang mangyayari sa isang grupo na walang assigned leader…kung ang isang grupo, na punung-puno naman ng talento at talino, ay hindi hinayaang magkaroon ng iisang lider…bali-wala rin ang lahat ng kanilang mga kakanyahan, wala itong patutunguhan… buti na lang at si ants ay mejo nasa diretor mood at napagpasiyahang magshushoot na lang nung last scene at onting discussion pagkatapos ng klase namin. Good.

+++wala pa rin kaming nagagawa para sa documentation para sa HUM2 na due naman sa Sept 20, monday, kahapon. Ilan kami sa grupo? Walo. Wala pa rin kaming research nun, at introduction pa lang ang meron. Lahat planong gumawa ng Sabado, kinabukasan…ang trabaho ko, paglelayout at pageedit, so kung late nang matapos yung content, late ko na rin magagawa yung part ko…nafufrustrate na ako talaga nung mga time na ito…

+++eto pang isang wala…wala pa rin kaming venue para sa musical production namin para sa HUM2 (tangina, ang demanding talaga ng subject naming ito! tangina talaga tong si Achanzar…argh…may documentary na ngang pinapapasa, may class production pang nalalaman…hay nako, may test pa kami next week…angsayasaya!) Bakit kami wala pang venue? Ang plano kasi namin, sa Class 72 Theater talaga ng Med magpresent, maganda kasi lights dun, tsaka bago yung equipment. OK na OK para sa isang play. Ang problema, ginagamit din kasi yun ng college para sa mga lectures sa proper. Sabi nung guy na namamahala sa reservation, baka may gagamit daw doon ng 1pm sa October 5 (play date namin). Kaya baka sa gabi na lang kami magpresent imbis na magkaroon ng 2pm at 6pm na showings. Kakafrustrate talaga, iniisip pa naman namin na dahil MED kami, ‘di na kami mamomroblema sa theater na gagamitin namin…but no. Ayun. May problema. Kaya ayun, frustrated na frustrated talaga ako nung mga oras na yun.

+++at hindi lang venue ang wala kami, PRACTICE din. Putang ina, ‘di pa nga namin nakukumpleto yung isang part ng play e, ‘di pa nga naiincorporate yung mga kanta sa play mismo, yung ibang mga tao na dapat may ginagawa, wala namang ginagawa pag may practice. Yung iba, pupunta sa practice, pero aalis din…yung iba, late na nga sa practice aalis din nang maaga. Ang pinakamahirap pa nun, lahat nakadepende sayo…walang gagalaw kung ‘di ka gumalaw. WHICH SHOULD NOT BE THE CASE. As a director, dapat ang role ko lang is to make sure na lahat ng ACTORs and ACTRESSES deliver their lines nang maayos, maiposition sila sa stage nang tama, ibahin ang ilang linya, at mismong ipagsamasama ang lahat ng aspeto ng play hindi ba? Sa costumes, dapat hindi ko pinakekeelamanan, ang music din dapat hindi. Pati lights! At marketing! Pero ano? Dahil sa sadyang pakielamero ako sa lahat ng bagay…lahat sinasawsawan ko. But let me defend my actions…ginagawa ko lang naman yun para lang mapasimulan ang mga bagay, kasi kung di ko ginawa, walang ibang gagawa. Labo, basta, maybe its just me…pero ayoko na nang ganoon. Sana lang ginagawa ng bawat tao ang dapat niyang ginagawa. At hindi iyon ang nangyayari sa kasalukuyan, kaya ako nafufrustrate. What if nga kung bigla akong mag-quit? Ano kayang mangyayari…may gagawa pa ba? May mangyayari pa ba? ‘Di ko alam.

Pero buti na lang at nung mga bandang 1pm, nagtext si Kathy at sinabing OK na daw yung theater, napareserve na ng 1pm to 930pm. Gumaan na din sa wakas ang damdamin ko. Salamat.

Kinagabihan, sa bahay kami nagshoot nina Ants at Tina para sa piano scene sa pelikula namin sa HUM1. Masaya na ako nun, kasi at least alam kong may nangyayari na. At natutuwa naman ako kay Kathy kasi at least, kahit malayo siya sa amin nakatira, pumunta pa rin siya sa bahay para lang tumulong sa shooting, at nagpakapuyat at nagpakapasaway sa nanay niya nangumuwi siya ng past 2am na. Hahaha! (note: wala akong hinanakit sa mga ‘di nakapunta sa shooting kasi naiintindihan ko naman kung gaano kahirap umuwi sa Maynila…hehehe…) Ang isang gabing dapat ay matatapos na kami ng 10-11pm, ay naextend hanggang mga 3:30 na ng umaga. Sabado na nang umaga nun, at ‘di ako inaantok.

***

SABADO. 930 na ako nagising at plano ko sanang pumuntang Maynila ng mga 10 para tapusin yung documentation namin para sa HUM2. Pero mga 1130 na ako umalis ng bahay at nakarating sa Maynila ng mga past 12 na. ‘Di rin ako gaanong nakatulong, ( bwahehehe, saariii…;p ) kasi kailangan ko ring bumalik sa QC ng before 4pm para asikasuhin naman yung posters at tickets ng Sinosisans. Maayos naman yung kinalabasan ng posters, pero yung tickets medyo nagkaproblema…kaya kailangan ko pang ayusin uli sa bahay at ipaphotocopy kinabukasan.

Dumeretso ako kaagad sa practice ng cotillion ng Jaja, isang kaibigan noong high school. Kaunti lang kaming nandun, pero buti at nakapagpractice na rin kami kahit paano.😛 Pagkatapos nun, pumunta ako sa Aldaba Hall sa Diliman para manood ng play ng Broad Ass, ang Dulaang Kapiterya. Every sem silang nagtatanghal ng ganun, at dahil may mga kaibigan din ako sa org na yun, nanonood din kaming barkada pag meron. Trilogy siya ng plays, may murder/mystery, may comedy at may romance/musical. Super benta sa akin yung comedy! Hahaha! Basta, tawa talaga ako nang tawa! Puro original yung mga plays na yun at namamangha ako sa pagiging magaling ng pagkakasulat nito. Astig! Well, kung ganun naman talaga ang nature ng org mo, Broadcast Association, huwell huwell…

Pagkatapos nun, kumain kami ng mga kaibigan ko sa katipunan at naging goodboy ako at nakauwi bago mag 12! O diba? Hahaha! Akala ko, hindi ako makakatulog nung gabing iyon…but my bed was much too tempting for me…at kahit bukas pa ang TV ay nakatulog na ako. Bow.

***

TAKBO! TALON! HIYAW!Gising na ako ng 615am, dahil sa PE finals namin ng 7am sa Sunken. Putangina, ang hirap nung mga games! Phil games kasi PE ko this sem, at para sa finals namin, may sportsfest ang lahat ng Phil Games classes ng UP Manila. kaya ayun, medyo nabilad kami sa araw, at pati yung mga games na nandun ay super hirap! Nakakainiiiis! Well, on the brighter side, at least tapos na yung PE namin…finals na yun so we are free! Yahoo! Last PE ko na next sem, kasi next year, med proper na ako…fuuuhrreeaakkyyy…hirap isipin na med proper na ako…parang antanda na na hindi. ay ewan! Anyway, pagkatapos nung finals namin, kumain kami nina Maan at Ants sa Mang Jimmy’s! Yey! Rice all you can! Hahaha! Tas mura pa kasi 2-plus-one yung ulam, umorder kami ng tatalong ulam, libre yung isa. galing no? Hahaha! :p at nasitisfy na uli ang carving ko for real sisig with mayonnaise! Oh yeah!😛

Tapos namin kumain, bumili kami ni Maan ng mga gamit for Sinosisans, props and all sa Natio at dahil super putikan ang mga paa namin dahil sa pesteng Phil Games Finals, bumili kami ni Maan ng japeks na tsinelas na Nike, matching pa! Hahaha! Sakanya pink, akin black. Hahaha. Ayun. At nung gabi, nagsimba siya kasama pamilya ko at bumalik kaming dorm. Ayun…

Tsaka na yung mga kwento ko sa Monday at ngayon…mas mahaba pa e…:)