hehe…’di ko actually alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon…kung pagod ba o masaya o natatakot o nagpapanic…hay ewan. bahala na. Ano bang nangyari sa araw ko ngayon?

Gumising ako nang maaga kanina kasi may practice kami ng 8am para sa class prod namin. But shet, paggising ko, ibang pakiramdam ang sumalubong sa akin…more specifically sa chan ko. Tampururoooooott! Hahaha! Kaya ayun, nalate ako sa praktis namin…pero ayus lang, ‘di pa naman nagsisimula kasi kulang pa din yung ibang mga characters. Hay…sana lang mas umokay ang attendance sa mga practices namin. Gawd! OCTIBER 5 na yun, wala pa kaming nagagawa nang matino. Puro kanta lang, wala pa yung mismong play. Hay nakooo…

Ayun, tas pumunta akong Rob to buy some necessary stuff, tapos umuwing dorm para magready for my PM classes. Last lecture na namin sa IPC at nagdrama ako sa journal ko dun…sabi ko ang saya-saya ng IPC at madami akong natutunan. BWAHAHA! sipsip! Pero ‘di nga…mejo totoo, kahit minsan super boring…naapply mo talaga yung mga concepts dun sa totoong buhay…Kunwari, pano maging assertive sa isang sitwasyon, o kaya naman yung mismong pagkakakilala mo sa sarili mo, dun mo din matututunan.🙂

Lecheng PE…ayoko talaga ng PhilGames.😦 Wala lang, laro lang kayo ng laro, wala man lang akong natututunang bago. Tas ang demanding talaga ng prof namin…baba pa magbigay ng grade sa report. Hay nako…buti na lang at due na siya next week at mukhang last time na namin siya makikita since baka manganak na siya next week. Bwek bwek bwek. Pero infairview…FC yun (Feeling Close)…Ge ba naman ang tawag! BWAHAHA! Isa siya sa kakarampot na teacher na yun ang tawag sakin…O diba? Hahaha! Nakakatawa talaga!

Tapos nun, dumeretso kami sa Rob nina Maan para bumili ng mga gamit na gagamitin sa Zoo lab bukas. Tapos kumain kami sa Wendy’s at nag salad bar kami. Oh yeah! Sarap talaga nun!😀 Bukas, birthday na ni Maan. Shet, 19 na siya…ako 18 pa lang. Bwahaha! Mas matanda siya ng 2 months sa akin, hehehe. ayus diba?😛 Wala lang, shet, malapit na rin palang mag november no? MAG na-19 na rin ako! NYAAAAR! Ayoko pang tumanda! Sa susunod na taon dalawang dekada na ako sa mundong ibabaw! Waaahhh…*panics and screams hysterically*

Howell…