ahehehe…summary na lang to ng mga nangyari last week. Sa dinami-dami ng mga nangyari, di ko alam kung saan ako magsisimula…

Sabado, ika-14 ng Agosto

Umaga pa lang, gising na ako. Wala kaming test, wala rin kaming klase…anong meron? Fieldwork sa Laguna! Sa super duper toxic ng HUM2 namin, kahit Laguna, pinapatos na rin namin. Pinapagawa kasi kami ng documentation ng kahit na anong visual tradition sa Pilipinas. Anong topic namin? Mga sementeryo. Fuuuhhrreeeaakkkkyyy no? Hahaha! Kaya pumunta kaming Nagcarlan, Laguna para puntahan ang Nagcarlan underground cemetery. Galing sa dorm, sumakay kami ng LRT ng 6am hanggang Buendia at sumakay ng bus hanggang Sta. Rosa. Tapos, pumunta kami sa bahay nina Maan, kumain ng NAPAKA-SARAP na breakfast, at dinrive ko ang Adventure nila papuntang Nagcarlan, na dalawang oras ang layo mula sa Stra. Rosa. O diba, sabi senyo…INSTANT DRIVER=GERALD. wahehehe…

Mula sa maliwanag na direksyon na sinabi ng aking mabuting roommate, na kagroup ko din, narating namin ang sementeryo sa ilalim ng lupa ng mga 11am na. Malakas na ang silkat ng araw…at ‘di kami makapaniwala na super ganda ng pupuntahan namin. May garden siya sa labas at sobra dobrang green yung damo! Tas pagpunta namin, may nagpuputol pa ng grass gamit ang lawn mower. Shet…’di ko akalaing may ganun sa kalagitnaan ng isang rural na probinsya! Ang akala ko yung Underground cemetery ay parang kweba na pinaglilibingan nung sinaunang panahon. But no, sementeryo pala talaga siya nung Spanish period. Pagpasok namin, ang unang tumamabad sa aming mga paningin ay mga puntod — mga puntod na nasa dalawang magkabilang dingding. At isang simbahang bato ang tanging namamagitan sa kanila.

Click click…shushukkk..ani ng kamera. Nagkukuhanan kami ng litrato sa sobrang pagkamangha sa aming nakita.

Pagpasok namin sa simbahan, nakilala namin ang tagabantay. Tsaka lang namin nalaman na ang sementeryong aming pinuntahan ay isa na palang National Historical Landmark. At malaki-laki ang ginagastos ng gobyerno para dito. Ngunit isang badtrip na pahayag ang aming narinig mula sa bantay, bawal daw magkuha ng litrato at video sa ibaba, sa underground cemetery. Kailangan daw ng permit mula sa National Historical Institute. Nyek, siyempre di kami papatalo! hahahaha! Nang kami’y nasa ilalim na, palihim kaming nagkukuha ng video at litrato…mwahehehe. *evil grin*

Matapos sa sementeryo, pumunta naman kaming San Pablo, sa bahay ng lola’t lolo ni Gideon, ang aking roommate. Doon kami kumain ng NAPAKASARAP na tanghalian! Grabe…nung araw na iyon, naisip ko…super duper dami naming kinain at ‘di naman nabuburn kasi nasa kotse lang naman kami at walang giangawa! hehehe! Geaats? Pero ok lang, minsan lang naman kaming mapapadpad sa probinsya at mabuti nang kunin ang pagkakataon na makakain ng sariwang pagkain na LUTONG BAHAY, di tulad ng mga pagkain namin sa Maynila na puno ng mantika’t MSG…aka FAST & JUNK foods. weee…

Pagkatapos nun, we headed back to polluted Manila passing through UP Los Baños. Yeah! Saya-saya! Buti na lang at mayroon kaming resident tour guides, si Gideon at Maan, na gradutes ng UP Rural High School, ang UP High School ng UPLB. Tas sa Makiling kami dumaan imbis sa Los Baños proper kaya nakadaan kami sa Magnetic Hill! Siyempre, bilang mga turista…baba naman kami at sinubukan nga kung totoo ang pagiging magnetiko ng hill na iyon. Hindi nagwork ang test namin at mukha kaming mga tanga akasi may mga kotseng dumadaan din, at lagi kaming tumatabi sa daan tuwing may kotse kaya ‘di matuloy-tuloy ang “experiment” namin. Ahahaha!

Pagbalik namin sa Maynila…bihis kaagad kami. Bakit? Kasi pupunta kaming Quezon City naman! 6pm na nun, labindalawang oras lang ang nakraraan, nandoon din kami sa dorm, nagbibihis patungo sa Nagcarlan. Ngayon, sa QC naman ang punta namin…dahil sa debut ni Elaine!

Ginanap ang debut niya sa Ambros, isang bar and resto na super kaduper lapit lang dito (sa bahay) as in walking distance lang! O diba?! Saya! Ok naman yung nangyari, masaya at madaming pagkain uli! (sabi senyo super duper dami naming kinain! Bfast, lunch at dinner, lahat HEAVY.😀 ) ayun.

Nang matapos ang debut, kailangan ko munang daanan yung ate ko sa MRT station, since malapit lang naman yun, dahil wala siyang kotse at ako meron. Nang binubuksan ko na yung kotse gamit yung alarm…shet…ayaw bumukas. Nagmalfunction na naman yung batterya ng alarm. Tinry kong buksan gamit ang susi, pero syempre, dahil yun nga ang pinipigilan ng alarm, tunog nang tunog yung kotse…at ako’y nagmistulang isang magnanakaw! Hahaha!

Nawalan na ako ng pag-asa at tinaggap ko na ang aking dapat gawin: umuwi at kunin ang isa pang susi. So yun nga ang ginawa ko. Pero siyempre kailangan ko pang sunduin ate ko. Kaya dinala ko yung isang kotse, yung bagong Altis, at yun ang pinangsundo ko sa Ate ko. Nagpahatid na lang ako sa Ambros at sa kabutihang palad, ay nabuksan ko na ang kotse! Yey! Clap clap clap!

So yun, hinataid ko pa yung mga kaklase ko sa Manila…bilang isang INSTANT DRIVER. ahem ahem. At nakauwi na nang mga 12:30am. Maaga-aga pa yun, kung ikukumpara sa mga uwi ko nung Grade 10! Uhhmm..2, 3am? Ahahaha! Ayos diba? *smirk*

Grabe…7:36 pm na sa PC clock ko, sinimula kong isulat itong artik na ito ng 6pm. Haahaha! Isang oras at kalahati na akong nagsusulat? Bagal no? De…nanonood din kasi ako ng TV. Shet. Sabado pa lang yang kwento ko. Madami pang ibang nangyari…at tsaka ko na kukwento dahil kailangan ko nang mag-aral para sa Zoo Lec exam namin sa Miyerkules. Hehehe… dork!