Had an early start today, slept around 3AM already after cramming for the departmental exam on Orgchem this morning. 8 ng umaga yung test namin. tang ina ang aga! Nagising ako ng mga 720, ayos na ayos para magising ako nang tuluyan, maalis ang pagkagroggy ko, at magbihis at magtutbrush, maglagay ng contacts, at “mag-review” (mas parang ngang basa-nang-paulit-ulit-dahil-di-talaga-maintindihan-ang-lesson and nangyari e). Isa ito sa mga tests na di ko talaga alam kung ano yung itetest. Leche. Di ko alam kung mahirap nga ba talaga, o bobarts lang talaga ako. Naiintindihan ko naman siya sa klase e, pero bat ganun, pag nag-aaral na ako, wala talaga!!! NYAR!! Ayoko talaga ng Org chem!

So kamusta yung test? Base sa mga reaction ng mga tao sa paligid ko, “Naku! Babagsak akoo!!” “Grabe! ang hirap!” at “SHEEEEEETTT!!!”, well, kayo na bahala mag-isip kung ano nangyari…A basta, ayoko nang isipin pa yung test, nakampuchaaaa! Nakakadepress lang. Shet, sana magka 40% man lang ako para may chance pa ring ma-exempt sa finals! waaaahhh!!

pagkatapos nung exam, bumalik na agad ako sa dorm, nagspray ng formalin kay Halle, at naghintay sa tatay ko. Excoted ako. Dahil pagkasundo sakin, didiretso kaming Araneta para manood ng Opening ng UAAP! ye!! UAAP season na naman, at siyempre, I’ll be cheering again and again for my Alma Mater for the past 12 years…UP FIGHT!!!! ang astig talaga ng UP crowd! FULL SUPPORT talaga! kanina, halos kalahati ng Araneta ay pumapalakpak habang dumadagundong ang mga katagang “U-NIBERSIDAD ng PILIPINAS” sa koliseo. Ang sarap tuloy sumabay at ipamukha sa buong mundo na OO! NAG-AARAL AKO SA UNIBERSIDAD NG PILIPINAS.😉 At kahit na taun-taon nang nababawasan ang pondo ng aking pinakamamahal na paaralan (na kitang-kita sa unti-unti ding pag-ikli ng uniform ng UP Pep Squad dahil sa kakulangan ng pondo! bwahahaha! joke lang.) at kahit na di naman ganun kagaling ang basketball team namin…proud na proud pa rin ako no! hahaha!

ok fine, hindi nga nanalo ang UP kanina sa first game nila ngayong season, ni hindi nga close fight e. pero ayos lang, yung thought naman na napakadami mong kasama na nag-chi-cheer para sa school mo, at sa school spirit na maeexperience mo sa tuwing may mga laraong ganito, ay sapat na para ako’y maging kuntento.

pagkatapos ng laro, pumunta kaming power plant ng ate ko. ye! hehehe! nagshopping kami! nyahahaha! tagal ko na ring hindi nakakpaunta dun! siguro isa’t kalahting tao na ang nakalipas mula nang huli kong pagpunta doon…andami na palang bago dun. nyahaha! (siyempre, bago sakin kasi tagal ko nang di nakapunta diba?) ayun, basta, ayos na ayos talaga dun. sna nga lang, madami akong pera…*wissshh kooo langggg*.