my nursing friend wrote sumthing sa egroups ng section namin nung fourth year. read on…

June 26, 2004

Hi guys!

Sumusulat ako ngayon dahil may importanteng nangyari na nakagulantang sa college namin kahapon.

baka may nakita kayo sa unang hirit or sa tv patrol na news tungkol sa pinatay na nursing student sa UP manila, ito ay tungkol dun

nung june 24 thurs, wala kaming pasok kasi manila day. 10:30 nang gabi nung same day, hinold-up si kuya carlo, graduating nursing student. siya lang yata yung hinoldup kasi may magasawa pa dun sa fx ska ung driver. ang sabi nanlaban daw siya, 3 ung nangholdup sa FX, pinababa daw siya ska binugbog at sinaksak, 4 stabs, isa dun sa puso. Namatay si kuya carlo. Walang nakuha sa kanya. khpon nagmourn ang college namin, especially ung batch niya saka mga profs namin. Pagpasok nga e sobrang bigat ng loob namin dahil sa nangyari. Sa totoo lang medyo kilala pa un si kuya carlo sa college kasi cute tas madaming may crush dun. Pasensya na d ko kasi maalala ung last name nya bsta name niya jim carlo sumthing. Kung alam niyo kung san ung remedios, dun banda daw nangyari ung panghoholdup

The thing is, gusto ko lang kayong warningan na iwasan niyo na pong sumakay ng FX. I know na wala nang safe place ngayon, pero increased kasi ung risk sa FX dahil enclosed. kahi ako dati, kahit after maholdup ung mama ko sa FX, tigas pa rin ulo ko, sumasakay pa rin ako. Kahit sa aircon bus, high risk sa mga holdupan. Pero kahit saan man, when in a situation like that, wag na kayong umalma, ibigay niyo na lang ung hinihingi. Mas importante ang buhay.

Last year, may nangyari ding ganito. Isang 3rd year pharm student, babae, binaril 2 times sa mukha dahil ayaw ibigay ung phone.

Ugaling UP na kasi ung matapang, independent, minsan mag-isa lang kung lumakad, ska ung nagaassert ng right. Ganun daw tlaga ung ugaling UP parang ayaw magpatalo, ayaw magpaapi, pero minsan lunukin niyo nalang ung pride at tapang niyo at wag na kayong pumalag, bigay niyo nalang. Materyal na bagay lang yan.

Naaalala ko lang yung araw araw na mga dangers na hinaharap natin. Hindi lang acads ang dapat alalahanin, isipin niyo din ung paligid niyo, maging sensitive kayo, ung mga masasamang tao, minsan mararamdaman niyo rin yan, pag malikot ung mata, o kaya nagsesenyasan, minsan makikita din sa itsura yun e. matalino naman tayo marunong makiramdam. Prone kasi ang UP students, or college students, for that matter, sa mga ganyan, so please be very careful and alert.

Naisip ko kasi ung kalungkutan nung mga batch 2005 nursing samin. Naisip ko kung may nangyari ganun sa mga kabatch ko sa college, talagang manlulumo ako. Naisip ko rin kayo, siyempre iba ung mga kabatch at kaklase, marami nang pinagsamahan, tas isang iglap wala na kinabukasan. Inaalala ko rin kayo.

Lastly, lagi kayong magdasal. Ipagdasal niyo rin sana ung family ni kuya carlo at ung girlfriend niya si ate kating (di ko alam kung tama ung name, pero parang yan name niya e). please pray that they will have strength in this time of grief and macomfort sila. Nung nangyari un kakagaling lang ni kuya carlo sa date nila ni ate kating ksama ung dad nung girl. Marami na nga silang plans after grad e. di talaga natin alam kung kelan kukunin ang isang tao.

Sige, yun lang po. Pagingatan niyo po ang buhay kaysa sa cellphone. Sabi nga daw, bring your umbrella(kasi rainy season na) leave your jewelry(kasi di naman kailangan).

God bless! Love u with the love of the Lord!

***

grabe no? I heard the news sa TV patrol kagabi….ang freaaakkky tlgaaa! nakakainis tuloy. ironic. ya see…we just had this security and safety forum sa Med nung Wednesday. People from the Western Police District, UP Manila Police, and people from the SSWC and Firefighting brigade came to our college to speak about the saftey and securuty in the UP Manila area, including Taft…blah blah blah….well, i guess outside forces are just too much stronger. daaaeeennnggg….

tas after pa nun, naisip ko, if naholdup ako, di ko ibibgay yung fone ko…lalaban ako no! but after hearing the news…shiaat…wag na lang. MAS MAHAL ANG BUHAY KO KESA SA PHONE! magdodoctor pa ko no!

so ayun…we should really be vigilant and careful nowadays. di tayo dapat magdalos-dalos lang sa mga ginagawa natin. tsaka we should live life to the fullest…we’d never know kung ang pagsakay mo ng FX ay ang last biyahe mo na ever sa buhay mo…