grabee! gustong gusto ko nung bag ni Aga sa All my Life! Shiaat! As in! it looks like Thai e, bsta, na wrap-round na orange! Ang ok kaya! May parang tagpi-tagping blue, orange, brown, red, na ethnic cloth tas may gold decorations sa harap. bsta!!! and astig tlga! Kaya pagkatapos nung movie, naghanap kaagad ako ng bag na tulad nun. Tumitigil ako lagi sa bawat tiangge stall sa Rob sa baka sakaling binebenta sa ganun yung ganung bag. So ayun ako, punta naman ako sa may Thai shop sa Rob, baka nandun, so wala. Nyahaha!

So diba nga, pumunta kaming Galle ng 2 kong HS friends nung sang araw (see previous post) para manood ng HP3, habang nag gagala kami sa galle, LO-and-Behold! Nandun sa 50th Avenue (tiangge-like-stalls sa East Wing) yung isang blue bag na similar sa bag na gusto ko! So ayun, tanong naman ako kaagad ng presyo diba? P550 daw…nyaaaaaaaahhhh!!!! Wala akong pera nun! Yun yung week kasi na pumunta kaming Recto para bumili ng textbooks, so yung shopping money ko para sa linggong iyon, naubos na. Haaay. Alam kong mahal, pero deeennnggg!!! super ok tlga! Tagal ko na ring hinahanap yung bag na ganun, at feeling ko dun ko lang makikita yun! Shiiaatt! E dahil nga wala akong pera nun, kailangan kong ipagpaliban muna ang pagbili ng bag.

Kaya kanina, pumunta kami ni Maan sa galle para bilhin yung bag KO! hahahaha! Pumunta kami during our 6 hour break. (Hahahaa! Ngayon ko lang naappreciate ang 6 hour break namin every Tuesdays!) Sumakay kami ng LRT at MRT, naglakad papuntang Galle galing sa Ortigas station, at yesss….BINILI KO NA ANG BAG! Tinawaran ko ng P450, ayaw ibigay, P500 na lang daw. (Puchaaa…di nagwork ang haggling skills ko…ngunit gayunpaman, P50 bucks is P50 bucks ya know?!) hahaha! So there. I AM REAAAALLLLYY HAAAPPPPYYY! Super saya kaya! wahhooo!! (pero siyempre, mamatay ako pag pumunta akong Greenhills at nakita ko ang same bag na yun dun at binebenta ng P300! puuucchhha!!! RIP-OFF! hahaha! Sana hindi…sana mas mahal nyahahaha! >:) )

Ok na ok tlga dun sa 50th avenue, kahit di siya super mura tulad sa ukay-ukay or sa tiangge, di rin siya über mahal. May mga pants dun and polos and shirts na ok din. Hahaha! At sa tingin ko, ok din ang quality, unlike sa tiangge na yakiiidooods minsan. hahahahaaaa!!! Nakakita din ako ng ok na pantalon, fi-nit (read: sinukat) ko…and chenen!!! Binili kooo! Waahaha!

Ok lang, kahit super gastos ko ngayong araw…aba aba! Super tipid kaya ako nung mga nakaraang linggo! Nakakasave ako ng halos kalahati ng baon ko for the week…pero yun nga lang, pag nagsimula na akong maglibot…LAGOT AKO! LAGOT AKO!

hrrmm…ano pa ba? Ayun, kumain kami ni Maan sa Chef (hahaha! parang di pa kami sawa dun e no? nyahahaha!) tas bumalik na kami sa dorm: naglakad to ortigas station, crossed edsa, sumakay ng MRT, baba sa TAFT Station, lakad to LRT Station, Hintay-hintay…at nakipagsisksikan sa LRT! YAKIIIIIIII!!!! ambaho tlga sa LRT pag siksikaaann!!! Amoy putok sa isang sglit, tas biglang mag-aamoy paa sa isa pa! NYAAAAAHHH!!! Buti na lang at dala ni Maan yung pamaypay nya, at napapalayo namin ang masasamang espiritu ng hangin! kadiri tlga! So ayun, bumaba kami sa Pedro Gil Station at naglakad patungong dorm! nakarating kami ng mga 2:15, natulog ako hanggang 3:50, tamang-tama lang para sa klase ko ng 4:00.😛

nasabi ko na ba na super duper kamukha ng prof namin sa Hum 1 si Angelu de Leon! Laugh trip kaya kanina sa Hum class namin kasi iniimagione kong nagtuturo si Angelu sa harap namin tungkol sa iba’t ibang mythologies ng mundo! hahahahahahahahaha!!!! Kaboses pa nya (ata) kasi mejo parang conyo yung boses ng prof namin…with the TWAAANNNGGG and all that jazzzzzz…

kaya ayun, sa tingin ko yan na yung araw ko ngayon. hahahaha! hanggang sa susunod na paglalakbay….