ok, so eto na tlga, since nandito na ako sa dorm, at nagaayos ng gamit-gamit dito, it’s officially the start of my sophomore year. gaaaddd!!! there’s no turning back! 2 sems na lang, and a summer vacation, nasa med proper na ako. haaayyy…kakatakot palang isipin. siyempre, nung 1st year, super hapit kasi parang feeling mo ang layo pa nun. hahahaha! pero siyempre, habang papalapit na nang papalapit, nagiging mas nakakatakot na….haaaaaa….

siyempre, there’s no time to shift pa…isipin mo naman no, isang taon ka na lang..ayan na…pinapapapsok ka na whole-heartedly ng University of the Philippines College of Medicine, the premier medical school dito sa bansa mo…wala ka nang kailangan pa, basta ipasa mo lang lahat ng subjects mo, pati na rin ang NMAT. walang grade requirement, walang interview interview. WALANG HIRAP. tapos nun, in 5 years, magiging ganap na doktor ka na if you pass the med board exams!

pero siyempre, kahit super enticing ang result, kung iisipin mo naman ang lahat ng pagdadaanan mo in those 5 years…NYAI! kakatakot tlga! aral ka lang nang aral, walang humpay na pagsusulit, kung anu-anong lecture na kung suswertihin ka pa’y hindi ka makakatulog. nyaaaaa….

pero wala na…gaya nga ng sabi ko, wala nang atrasan to tol! SABAK NA KUNG SABAK! GOOOOO!!!

just wait…later on, may iniinterview nang pediatric oncologist sa TV dahil sa kanyang dedication to help the under privileged children who have cancer….who’s that doctor? DR. Gerald Abesamis of course! naks! hahahahaha!