naks. naka 1 1/2 pages na ako sa paper ko! hahahaha! in just 30 minutes! heehee…pero tinatamad pa akong tapusin, kahit alam kong kailangan ko talagang tapusin ngayon kasi wala na akong oras sa weekend, unless magsulat-kamay ako at tsaka ko na lang itype pagdating ko uli dito sa dorm on sunday. nagets nyo ba? haba ng sentence na yun no? hehehe…

sooo…friday na pala. once agen, end na naman ng linggo. ambilis kaya. di ko nga namalayan e. owell, gnyan tlga ang buhay sa maynila…fast-paced. tsaka dba may saying: time flies fast when you’re having fun. OHHH YEAAAASSSSS! I’M DEFINITELY HAVING FUN NO!!!! Studying and all. not.

ano bang plano ko sa buhay ko? maging doktor dba? hmm…these past few weeks, i began doubting again about my chosen path. One one side, sabi ko, OK na to. Nandito na ko e. In just 6 years diba, kahit mahirap, magiging doktor ka na! Pero on the other hand…tinatanong ko sa sarili ko kung bakit ko nga ba maging doktor? I can “easily” have the same fulfillment when I become an HRI Manager or sumthing dba? At least doon, I can have fun while doing work. Pag doktor ka, kelangan siryus. Walang pachamba-chamba. Ewan. Kaya mahirap pag nakapasok ka sa IMED e…u’ll begin to doubt…parang ang dali-dali ng process maging doktor. Imagine, 7 years lang…it’s too good to be true.

ayoko na talagang mag-aral. as in. as in. as in. araw-araw na lang, parepareho ang ginagawa mo. kikinig ka sa walang katapusang pagdada ng mga prof mo, WALA KA NAMANG NARERETAIN. para san pa kaya yun? Gaya nga ng sabi ng isa kong kaklase, parang computer ang utak natin. Bago ang isang test, mag-iinput ka ng maraming data. Tapos gagamitin mo, hopefully, yung data na yun sa test. Once you’re finished, kailangan mong magreformat…you need space for NEW data. O kaya naman kung nag-full na yung memory ng Hard disk mo, sooorrryyy, maghahang ka. Araw-araw, gabi-gabi, aral na lang ng aral. Di ko naman sinasabing dahil Intarmed ako kaya ako ganito. Ganito naman ang lahat ng tao diba? ANG LAHAT NG TAO AY KAILANGAN MATUTO…ang problema mo nga lang, kung gaano ka nga lang kagaling matuto. Epekto ba to ng kolehiyo? Di siguro. Kahit nung hayskul ganito rin ang feeling ko.

Alam ko…wala akong kawala, wala TAYONG kawala sa pag-aaral. Iyan naman tlga ang kailangan para makapagtagumpay ka sa buhay dba? Kahit anong gawin mo, kahit anong gustuhin mong trabaho…kailangan nating mag-aral.

Pero pagod na tlga ako…itutulog ko na nga lang…baka pag gumising ako, mahanap ko na ang totoong sense-slash-relevance ng pag-aaral ko.

gunnaayytt.