mga gamu-gamo

‘sang pulutong

aking nasilayan

nagsiliparan,

nagigitgitan,

siksikan

sabik sa kanilang

wagas na kaligayahan

malapitan, masilayan lamang

ang naglalagablab.

sa gitna ng kasabikan

sa’sang saglit man lang

may ‘sang pulutong,

kahit ‘sang pulutong

tumatamasa,

kumakalinga

ng tunay na kaligayahan,

kasiyahan, kagalakan

mula

sa naglalagablab.