Open House 2010

Just came from the MedChoir Open House this evening. About four hours off-reading/studying well spent! Hehe. Masayang makakanta uli, at makakita ng mga kaibigan, batchmates at bagong mga mukha sa choir! Hehe. :-)

Tanders & Kids!

Basses!!! Yeah!

At siyempre, masarap na pagkain!

The Food!

Oh yes. Kahit na nag-aaral para sa boards (at punung-puno na ng backlogs), pumunta pa rin kami ng batchmates ko, haha. Adik. Bakit? Probably Kuya Mark S. said it best kanina while talking about why tanders keep on coming back:

“Probably because MedChoir changed us, and we helped change MedChoir.”

The Boardtakers with our review books!

Thank you medchoir for the past 5 years full of experiences (local or abroad!!), triumphs (and defeats! haha), fun, fotos, food and family! =) To more years of singing with you! Don’t worry, ang tanders ay parang athlete’s foot…we’ll keep coming back. :-)

More pictures here.

Litrato Dos

Boredom


Habang naghihintay ng turn ko sa pageeksamin ng aming pseudo pasyente para sa aming OSCE (Objective Structured Clinical Exam) ng Abdomen, kinuhanan ko ng mga litrato ang aking stet. Matagal pa kasi ako, reverse alphabetical order, kaya ako ang panghuli. Nagfifeeling artistic na naman. Leche, wala na kasing output ang aking photography “skills” e, kaya kahit camera phone lang ang gamit, pinapatos pa rin.

+++

Medchoir


Noong nakaraang Lunes, naimbitahan kaming kumanta sa isang conference socials na ginanap sa National Museum. Madami kaming kinanta, mga folk-songs mula sa iba’t ibang bansa, madami kasing foreigners sa convention. Hehe. Kasama sa mga kinanta namin ay ang Manila, Manila na pinasikat ng Hotdogs nung dekada ’80. Ito na marahil ang pinakamasayang “gig” na nakantahan ko, parang ang sarap kantahin nung kantang iyon, lalo na sa harap ng mga taga-ibang bansa. Ang sarap sabihin na kahit na buluk-bulok minsan ang Maynila, marami pa ring maaari at karapat-dapat na ipagmalaki dito.

Hinahanap-hanap kita Manila / Ang ingay mong kay sarap sa tenga!
Mga jeepney mong nagliliparan / Mga babae mong naggagandahan
Take me back in your arms Manila / Promise me you’ll never let go.

+++

Kasal


Noong Disyembre, sumayd-line ako sa trabaho ng ate ko. Wedding photographers sila ng kanyang boyfriend, at ako naman ang kanilang DA (Dakilang Alalay). Pero kasama nun, nagkaroon din ako ng pagkakataong kumuha ng ilang mga litrato sa kasal na kanilang kino-cover. Isa ang litratong ito sa mga nakuha ko nung Disyembre. Habang naglalakad yung bride, nagsimulang umiyak yung groom…at nagsunuran na ang lahat ng guests.

Dati hindi ko naiintindihan kung bakit maraming naiiyak sa mga kasal. Pero shet, kung isipin mo nga naman…pagkatapos kasi nung seremonyas na yun, IBANG tao ka na. May kasama ka na habang-buhay. Hehe…

Mangyayari kaya yan sa kasal ko? Bwehehe…;)

+++

Blak en Wayt


Paborito ko talaga ang blak en wayt.

+++

Aviators


Nakabili na din ako ng matagal ko nanag hinahanap na murang Aviator sun glasses. Yahoo! Nasira kasi yung binili ko sa New York e, ayun. Buti na lang at nakakita ako sa i2i. Dagdag na naman sa koleksyon ko ng sun glasses!

Quick trivia: si raLd ay may 15 sun glasses na sa kanyang koleksyon. 5 doon ay sira.