Medical Toxicity

Grabe, antagal ko na ring hindi nakakapagsulat dito. Malapit nang mag-isang buwan. Toxic talaga…hindi ko sukat akalaing ganito pala talaga sa med proper. Ubos na ang oras para sa mga maliliit na bagay tulad ng pagboblog…

Sa totoo lang, tatlo na lang ang oras namin, PRE-EXAM, EXAM-DAY at POST-EXAM. Ang PRE-EXAM ay yung mga araw bago ang exam kung saan gabi-gabi kang nagbabasa ng libro, transcriptions at powerpoint presentations. Ito yung oras mo ng pagrereview, mga araw kung saan “TOXIC” kang talaga. At siyempre dadating ang EXAM DAY kung saan mararamdaman mo ang halu-halong emosyon: kaba – dahil eto na talaga yung exam; kasiyahan – dahil matatapos na rin ang exam; lungkot – dahil wala kang nasagot at alam mong babagsak ka; galak – dahil sa wakas makakapag detox ka na rin. At diyan papasok ang POST-EXAM, kung saan maari ka nang matulog nang mahimbing dahil wala kang susunod na exam sa linggo.

BUT NO.

Dahil mahaba ang coverage ng susunod mong exam, madalas ay mapaghahalo na ang POST at PRE EXAM periods. Sasabayan mo ng tulog sa klase (detox) at paunti-unting gimik ang mga gabing nagsisimula ka na muling mag-aral para sa susunod mong exam. Benign (hindi toxic) ka na dapat, pero kailangan mo na ring mag-aral para sa susunod na exam…bali-wala na rin ang POST EXAM period mo…

Grabe. Paulit-ulit na lang na ganyan. Kung susuwertehin, kada-dalawang linggo umuulit ang siklo. Pero ngayong Setyembre, tig-iisang linggo na lang dahil bawat linggo may exam kami. Nakakapagod.

Hindi ko rin lubos akalaing magiging ganito ako ka-toxic. Yung nagbabasa talaga ng libro para sa exam, yung tunay talagang nag-aadvance reading, yung inaalala kung kailan may exam, kung ano ang dapat basahin…hindi naman ako ganito dati. Noon, dalawang araw lang bago ang exam ako nag-rereview at nag-aaral, at sa notes lang talaga. Bihira ako noon mag-aral sa libro. Pero ngayon, kulang pa ang isang linggo ng pag-aaral para sa isang exam. Kakaiba kasi talaga yung mga pagsusulit…matatanga ka talaga ‘pag hindi ka nakapag-aral. Sabi nga ng isa kong kaklase…iba talaga ang med school sa college…”NEXT LEVEL NA ITO!”

Pero kahit papaano, natutunan ko na ring i-enjoy ang ganitong buhay. Hindi din naman ako nalulungkot. Napapagod lang talaga ako.

Hindi naman madami ang ginagawa ko. Hmm…well, sabagay, madami na rin kung ikukumpara sa normal na med student. Sumali kasi ako sa Medchoir, e dalawang beses sa isang linggo ang practice doon. Kasama din ako sa isang banda, yung Soul Butterfly nga, at sa katotohanan, may “gig” kami sa Martes. Bukod pa doon, Sports Committee co-head pa ako sa Medicine Student Council, na may meeting every week, at player din ng volleyball ng class kaya halos may game din kami everyweek para sa sportsfest ng med.

Hehe, habang nagtitipa ako naisip kong andami ko nga palang ginagawa…

Nakakapagod din kung minsan…madalas akong late na talaga natutulog, at tulog din madalas sa klase, hindi nakikinig sa lectures at umaasa sa transcriptions. Pero ayus lang. Hindi ako nagrereklamo. Masaya ako ngayon, at least nagagawa ko yung mga bagay na gusto kong magawa. May outlet ako sa mga talento at hilig ko. At least hindi puro aral lang ang inaatupag. At buti na lang, sa awa ng Diyos, isa pa lang ang exam na naibabagsak ko. :p

Grabe, kakaiba nga talaga ang buhay med…

TOXIC nga talaga kung toxic. Pero masaya. :D

+++

Iba pang mga bagay:

  • Kauuwi ko lang mula sa isang kasal sa Fernwood Gardens. Kumanta kasi kami ng Medchoir sa kasal ng isang doktor sa PGH. Hehehe. Masaya siya dahil unang kanta ko ito bilang trainee at kahit hindi ko pa gaanong alam yung ibang mga kanta, game pa rin! Bwehehe. Pagalingan na lang sa lip-synching. Hahahaha!
  • OK pa kasi libre yung dinner namin. Kahit hindi kami doon pinakain sa reception, binigyan naman kami ng money for dinner at kumain kami sa a Venetto. Yehey. Sarap ng pagkaing libre. :)
  • Exam na naman namin sa Thursday…OS 205 na, THORAX (Lungs, Heart and CVS). Good luck. Mas madali daw ito kaysa sa naunang exams namin. Sana nga. :]
  • Marami akong natutunan sa lectures last week (nung mga times na nakikinig ako…) tulad ng paano makikinig sa lungs at heart gamit ang stethoscope, at kung anu-ano pa. Ang saya kasi may clinicals na ring kasama yung lectures…at sabay ang physio at anatomy kaya naiintindihan mo kung anong function ng bawat parte. MAHAL KO NA ANG OSI. :]
  • Kailan kaya ako makakabili ng PDA…
  • Ano bang ginagawa ng medical transcriptionists? Hehehe, curious lang. :)

+++

POP

Akala ko dati pa-epek lang ng mga doktor sa cartoons yang device na yan. May tawag pala sa kanya: head mirror. Ginagamit para malagyan ng ilaw ang bibig sa pamamagitan ng pagrereflect ng ilaw. Sisilip ka sa butas sa gitna at doon mo titignan ang bungaga at lalamunan ng pasyente. Galing no? May gamit pala talaga yung “head gear” ng mga doktor. :D

Manhid

Ilang beses na akong pabalik-balik sa Create New Entry page dito sa blogger, hindi ko kasi alam kung may dapat pa ba akong ilahad sa mundong onlayn. Hindi ko lang ramdam ang pagiging makwento sa ngayon. Pero anong ginagawa ko ngayon? hehe. Ayan na o, nagsisimula na akong magtipa ng mga letra ditong sadayng walang saysay…anubayan.

Ayan, nawala na uli ang momentum ko. Wala na naman akong masabi.

Kasi kung magkukwento naman ako, malamang tungkol na naman sa buhay med student. Pare-pareho lang din naman ang sasabihin ko. Kung hindi “MAHIRAP YUNG EXAM!!! HUHUHUHU!!!” ay “AYOKO NANG MAG-ARAL!!! WAAAHHHH!!!!”

Pre-programmed na kumbaga ang mga reaksyon ko. Wala nang bago. Kaya nga tuwing may exam ngayon, tinatanggap ko na lang. Pumasa man ako o bumagsak, ayus lang. Sanayan lang. Mag-aral man buong gabi, okey lang din. Hindi man matulog dahil hindi natapos magbasa ng trans? Pwede na, basta’t masabi mo lang na nag-aral ka.

Ganito din naman ang gagawin ko sa susunod na mga taon, mabuti nang tanggapin ko na ngayon at hindi na magreklamo diba? Pare-pareho lang yan…mag-aaral ka, mageexam, tapos balik aral na naman uli. Paulit-ulit na lang din.

Haay…

nakakamanhid.

+++

Sige, tutal nagsimula na rin naman akong magkwento tungkol sa buhay med, ituloy ko na rin…

+++

Sa mga susunod na linggo, dahil nagsimula na ang OS 204 (Head and Neck) sisimulan na naming i-dissect ang mga mukha ng aming mga cadavers. Ngayon kasi, nakatakip pa yung mga mukha nila. Isipin mo yun, sa MOVE-SYSTEM na parctical/lab exam, habang tumitingin ka ng muscles sa mukha, makikita mo rin yung mga mata ng cadavers na nakatitig sayo…biruin mo nga naman. Kitang kita mo na rin ang tenga, ang ilong, lahat…mukha kasi ang “nagpapatao” sa mga cadavers namin. Pano rin kung biglang pagkakita mo sa cadaver mo, may kilala kang kamukha nun? O kaya mas nakakatakot kung nakita mo na dati pa yung taong yun…

Pero wala lang. Para sa akin, wala lang yun. Manhid na din kasi ako. Wala nang epekto sa akin yung mga ganun-ganung ideya…iniisip ko na lang, ginagawa ko yun para matuto ako. At napagdaanan na din ng lahat ng duktor na nagtapos sa UP ang cadaver dissection, bakit pa ako matatakot…kinya din naman nila.

Kung dati’y hindi ako makakain ng pulang karne (puro chicken lang ang kinakain ko noong unang linggo ng dissection) dahil kamukha iyon ng kalamnan ng tao, ngayo’y dali-dali ko nang naisusubo ang masarap na beef tapa o pork tocino. Kung dati’y sa bawat patak ng tabang nahahalungkat namin sa tagiliran ni Amelia (pangalang ibinigay ng aming grupo sa cadaver namin) ay nasusuka ako sa pandidiri, ngayo’y kayang-kaya ko nang ipahid iyon sa kanyang mga kalamnan para hindi siya matuyo.

Mamanhid ka rin.

Halos araw-araw mo silang makakasama, lilinisin, babalutin, tatakpan ng plastic, at tatanggalan ng taba at fascia. Halos araw-araw ring iiyak at sasakit ang ulo at ilong dahil sa formalin. Halos araw-araw ka ring uuwing amoy patay o kaya nama’y alcohol at sabong panlaba, pagod at masakit ang likod sa kayuyuko.

Subalit matututo ka na ring magtiyaga. Kailangan mo ring tanggapin ang katotohanang kailangan mo itong gawin.

+++

Ngayong dalawang linggo ng Agosto, wala kaming anumang exam. Yahoo!!! Panahon na para magrelax-relax muna…

Hep hep hep! WAG KA MUNANG MAGSAYA Gerald! :)

Bakit?

Dahil sa pangatlong linggo ng Agosto, LAGOT KANG BATA KA!

Agosto 15 – OS 201 Exam 2
Agosto 16 – OS 204 1st and Last Lecture Exam
Agosto 16 – OS 204 1st and Last Practical Exam

Ay ang saya! Lunes at Martes iyang mga petsang yan…kung ganun, dapat nag-aaral ka na isang linggo bago yan…

E dalawang sabjek yan…edi dapat at least isa’t kalahating linggo ka naghahanda.

Ang dalawang linggo kong bakasyon ay naging kalahating linggo na lang?

Tumpak!

Ay ang saya-saya!!!! >:(

Oo! Ganyan talaga ang buhay med! Masaya!

+++

Iba pang mga bagay:

  • Nanood kami ni Maan ng If Only at nagustuhan ko yung pelikula. Oo, korny na kung korny pero sadyang nakakarelate nga talaga kaming dalawa dun sa pelikula. Hehe, wala lang. :) basta! wala na lang paki-elamanan.
  • Gusto kong panoorin yung Charlie and the Chocolate Factory dahil pinakapaborito kong libro iyon nung bata ako (isinulat ni Roald Dahl) at naging paborito ko ring pelikula ang Willy Wonka ang the Chocolate Factory na halaw mula sa librong iyon.
  • Dalawang taong kong ginamit ang librong iyon bilang aking Home Reading Report sa English. 95 ang grade na nakuha ko sa parehong report. :)
  • Noong bata ako, naniniwala akong may factory nga ng tsokolate sa US at Hershey ang pangalan ng may-ari (parang siya si Willy Wonka) at elves ang gumagawa ng tsokolate.
  • Tutugtog ata kami ng bago namin banda sa FATE (Fridays at the East), isang band competition sponsored ng Medical Students Society na org. Sana ok at makapagpractice kami. Ang unofficial official name ng band ay Soul Butterfly. Ano ako dun sa band? Sikret na lang.
  • Sana magka-trumpet na ako SOON. Pag nagkaroon na ako talaga, iyon na ang kakaririn ko, peksman. :)
  • Natanggap nga pala ako sa Medchoir. Yehey! :D hehehe. Bass1 trainee pa lang for 1 year tas tsaka lang magiging regular member KUNG makapasa sa Trainee Tests…sana naman maituloy ko. :D
  • Nagbabalak akong bumili ng PDA na mura. Andami ko kasing kailangang i-organize at i-schedule, mga meetings ng kung anu-ano at iba pa. Hehehe, feeling. :)
  • Talo UP sa Ateneo kanina. Wala yung team na tumalo sa Lasalle at UST. Yung team na puro assists at power plays. Kanina, kung kelan pa ako nanood ng live sa Araneta, dun pa nagbalik sa dating team ang UP. Yung puro swapang yung players, buwakaw at mayayabang. Hay nako…hindi naman ganun na kagaling ang Taeneo. Sayang. :(
  • Wala na akong maisip na gustong ilagay dito. Hehehe.

+++

POP

Ito ang concept ng aking bagong blog layout: T&B v4.0.
Sana magawa ko… :D hehehe.
Ano sa tingin niyo? :)

Florida

Yes. I’m online. :p

Dami na naming napuntahan dito sa Florida. Ang saya mag-relive ng mga childhood experiences sa theme parks dito! Yeyeye! :D

Yun lang. Tinatamad akong magkwento e.

Astig. Naka 10,000 na pala tong site kong ito. Hehehe. May 16, 2004 ako unang nagtrack ng hits. Mag-iisang taon na rin. Hehehe.

Mainit din nga pala dito, grabe, at ayokong magpabilad sa araw. Lagi na lang akong nakabilad, mukha na akong nog-nog. Hehehe.

Nga pala, ayus din dito dahil halos lahat ng tao ay malalaki. AS IN, SUPER SIZE. Bwahahaha. KAya naman kung ikukumpara, PAYAT ako dito. NYAHAHAHAHA! Grabe, anlalaki ng chan, boobs at puwet ng mga babae at lalaki dito! Nakakatakooooot!!!! Parang mabunggo ka lang nila puwede kang tumilapon. Hahaha. Siyeet. Isipin niyo, mas malaki pa kay Dabyana. Exaj. Ansama ko, ehehehe…stop. Gusto ko sanang magpublish ng photo pero nasa internet cafe lang ako at nasa laptop ko yung pikchur.

Siguro kaya sila ganun dahil sa serving ng pagkain nila dito. Alam niyo ba na ang REGULAR ng McDo dito ay LARGE na natin. ISIPIN nyo na lang kung gaano pa kalaki ang SUPERSIZE dito. After kasi ng Regular, may Large pa, tas may SUPERSIZE! Yung frenchfries parang nasa garapon na! Hahaha. Exoj.

Mahal ng lahat ng gamit at pagkain dito. Mas mura talaga sa PInas. Kaya lang mukhang mas mura dito (lalo na yung mga pinapadala ng mga kamag-anak natin mula dito) e dahil mas mataas ang sahod nila dito. Nakakainis. Tas ang gaganda talaga ng transportation system nila, pati ng mga kalye, disiplinado halos lahat. Hay nako…nakakafrustrate lalo’t dahil hindi ganito sa Pilipinas.

May kaibigang Medical Intern yung nanay ko dito, graduating na this May. Binigay nya sa akin lahat ng US Medical Licensure Exam (USMLE) reviewers niya. Iyun yung exam na kukunin mo para makapag train ka dito sa US at makapagstart ng practice dito. Tas sinabi niya kung gaano lang daw kadali yung exam…blah blah blah. At one point there, naimagine ko ang sarili kong dito mag-aral at magpractice….pero hindi. Hehehe. Mas mahal ko pa rin ang bansa natin. :)

Grabe, umaatikabong email-an ang nagaganap sa egroups ng klase namin. Mga tungkol sa Freshman Orientation (oo, freshies uli kami…hiyes!) mga MEd Books na kailangan, ang aming uniporme, ang aming class sched…hehehe. Pero gaano man ako na-eexcite, wala akong magagawa dahil nandito pa ako. Hehehe. :) Gusto ko ding tumulong sa Freshman Orientation…but no. Hindi pwede. :[

Hehehe. Cge yun lang muna. :]

Rald, signing off.